Monday, April 09, 2007

Pagbuhos ng Luha sa Gabi ng Huwebes Santo

Isinulat ko ang mga text messages sa aking pinakatatagu-tagong journal. Pagkatapos ay binuklat ko ang mga pahina ng isinulat ko patungkol sa iyo, at binasa iyon magmula sa una tayong nagkakilala.

Naantig, napukaw, naawa ako sa aking sarili habang binabasa ko ang mga nakasulat sa mga sagradong pahinang iyon. Pagdako sa huli, binasa ko muli ang mga text messages mo. Naisip ko, na marahil iyon na ang mga huli na matatanggap ko mula sa iyo.

Sa 'di ko mawaring kadahilanan, biglang na lang bumuhos ang mga luhang kinimkim nitong mga nagdaang araw.


1 comment:

. said...

Ramdam ko ang hapdi ng iyong kalungkutan