Thursday, October 26, 2006

May Bakla sa Office

May bakla dito sa office na Patrick ang pangalan. Okay naman siyang kasama - kung hindi kaputahan at kalibugan niya ang laging pinag-uusapan. Ang pagsasalarawan sa kanya ng dati kong kasama dito sa amin ay isang patay-gutom at jologs na sosyal - isang social climber. Kung tutuusin, may katotohanan ang sinabi niyang iyon.

Matagal na rin akong inis sa baklang iyan. Nung June ang nanghiram siya sa akin ng pera, na akala ko ay babayaran niya ng katapusan. Nung sinisingil ko na ay ang sabi "Wala akong pera." Samantalang kasusweldo lang namin noon mga dalawang araw na ang nakalipas.

Marami pa siyang mga kagaguhang pinaggagagawa, kaso pinalagpas ko na lang kasi napa-immature ko naman kung papatulan ko lahat ng mga kagaguhan niya.

Pero kagabi ang pinaka-matindi sa lahat. Ang lima sa Accounting kasi ay may internet connection. At hindi kasama si Patrick doon. Pero nitong mga nagdaang araw, nakita ko na lang minsan na puro mga hubad na kalalakihan ang tinitignan niya sa Friendster. Nagtaka ako kasi wala naman siyang connection. Nalaman ko na lang na kinukuha niya yung sa isang tao at ikinakabit sa kanya. Inintindi ko na lang, sabi ko wala namang sigurong mali kung gagawin niya yun pag lunch at after office hours.

Pero kagabi, nung umalis na yung tunay na may-ari ng connection, ikinabit niya sa kanya yung linya. Ako naman noon ay nagpri-print ng ni-research ko para sa aking boss (na may hiwalay at kasunod na entry dito). Habang hinihintay ko ay lumapit muna ako sandali sa kanila, upang makipag-kwentuhan. At ang bakla ay hindi maka-connect. Alalang-alang sa kawang-gawa, sinubukan kong ayusin. Wala pa rin.

Biglang luminya ang bakla, "Pinutol mo siguro doon (sa server na ako ang may hawak)."

Amakyat ang dugo sa ulo ko. Gusto ko sana siyang murahin sa harap nila, pero ang sinabi ko na lang, "Bahala ka sa buhay mo."

Punyeta niya. Bakit niya pinagpipilitan na ako ang may gawa, samantalang sinabi ko naman na wala ako sa workstation? In the first place, HINDI SIYA AUTHORIZED NA MAGKAROON NG INTERNET CONNECTION. Kung tutuusin ay bawal ang ginagawa nung baklang yun.

Ang nakakainis, bakit ako ang sinisisi niya sa hindi niya pagpaparaos ng libog niya? Bakit hayok na h ayok siya sa lalaki? Kasi nga, isa siyang mangmang na patikimin mo lang ng karangyaan, akala niya ay pag-aari lang niya ang mundo.

Kung alam niya lang na ang mga tulad niyang bakla ay pinagtatawan ng sangkabaklaan.

2 comments:

. said...

Meron din ganyan dito sa office. Haha. Puro lalaki ang nasa utak.

The Itinerant said...

hahaha!, wala lang, dumaan at tumawa... :D