I barely know you, Paul, kaya nagulat ako sa offer mo kagabi.
"'Lika, ipakita ko sa 'yo. Dito tayo sa sulok."
Dahan-dahan mong ibinaba ang zipper, at ipinasok mo ang kamay mo sa loob. May dinudukot ka. Bigla mong inilabas ang lalagyan ng gusto mong ipakita. Kulay itim, pero may bahid ng ibang kulay.
"Ang laki pala," wika ko. Napangisi ka lang.
Na-excite ako ng bigla mong ibinaba ang takip ng lalagyan, at laking gulat ako sa aking nakita.
Napakataba, napakahaba, at napakaputi pala ng iyo.
"Wow."
"Gusto mo hawakan?"
"Sige."
Para akong nakuryente ng nahawakan ko na. Upang di ka mabigla, dahan-dahan din ang paglabas ko nito mula sa pagkakatago nito.
"Tigas pala nito," sabi ko.
"Oo."
Tinignan kong mabuti ang mga guhit at linya sa gilid, harap, taas, at ibaba nito. Mulo puno hanggang sa dulo, napakagandang pagmasdan.
Hinimas ko ang kabuuan nito, at makinis rin pala. Sinubukan kong hawakan ang lahat, pero di mag-abot ang aking mga daliri palibot nito.
Sabay pa tayong nagulat ng bigla itong umigkas mula sa aking pagkakahawak. Tinulungan mo akong hawakan itong mabuti, na ikinatuwa ko naman.
"Lagi kong nagagamit 'yan sa La Salle dati. Alam mo kung saan yun?"
"Oo, sa UM?"
"Oo, maraming katulad ko 'dun."
Tinignan at hinawakan ko pang mabuti ang kabuuan ng pag-aari mo. Tagaktak na rin ata ang aking pawis dahil sa init.
Pero ilang minuto pa, ipinatago ko na rin ang hawak-hawak ko. Medyo marami na rin kasing taong nakatingin. Ngunit, masaya ako dahil nakahawak na rin ako sa wakas ng katulad nun.
"May kailangan ka pa ba?" tanong mo. Napailing na lang ako. "Sige. Basta pag may kailangan ka pa, text mo na lang ako."
"Sige."
Iniabot ko ang pera biglang bayad sa una kong nakuha ko sa iyo. At tayo ay naghiwalay na ng landas pansamantala.
...
Hay, Paul, salamat at ipinahawak mo sa akin ang iyong hard-plastic protected Top 8 Type 1 Magic deck.
Paul* - di tunay na pangalan.
2 comments:
Di ko kinaya ang kahalayan. Buti na lang at iniscroll down ko bigla ang binabasa ko. Wehehehe
.ha ha ha ha.
Post a Comment