Sinong mag-aakala na ang kagandahan ng pagpasok ng taong ito ay mababahiran ng duda at pagdadalamhati? Na ang animo'y walang-bahid dungis na pagkakataon ay marurumihan ng pagkaaligaga at takot? Kapusukan ba ang maghangad ng kaligayahan? Kailan matatapos ang pagtangis kong ito? Mabuti pang ihawalay ang aking sarili mula sa makamundong pakiramdam, bagkus ay isipin na lang kung paano mamuhay ng walang pag-aalinlangan sa sarili sa kabila ng pakikipagdaupang-palad sa madla. Madla na sa tingin ko ngayo'y walang ibang nais kung hindi ang makapanakit at makasaga ng damdamin ng sa iba. Ng sa akin.
Kung ito ang mundo na aking gagalawan, mas mamarapatin kong mabuhay ng tulad sa isang matandang hukluban, monghe o ermitanyo - na ang pag-iisip at ang mundong ginagalawan ay hindi katulad sa mga pangkaraniwang nilalang.
Kung sabagay, sa ngayon pa lang ay iba na ang kalakaran ng aking mundo. Sa tingin ko naman, sa kalaunan, huwag kayong magtataka kung pipiliin kong tuluyang maglaho at mabuhay kung saan talaga ako nababagay - sa kawalan. At sa pagkakataong ito, HINDI NA AKO NATATAKOT.
No comments:
Post a Comment