Hanggang doon na nga lang ba? Paulit-ulit at paikot-ikot na pasakit, animo'y wala ng katapusan ang hapdi. Ang mahal mo ay kailan ma'y hindi mapasaiyo. Makuha mo man ay may kaakibat na pagtatangis. Nakakasawa. Darating din ang araw na maiisip at matatanong mo sa sarili kung saan ka nagkamali, saan ang iyong pagkukulang, o mayroon nga ba?
Sa una pa lang, kailngang ihanda na ang sarili sa mga pagkakataong malaman mo na ang taong mahal mo ay may iniibig na iba, ng sa gayon mabawasan ang kirot na mararamdaman sa araw na malaman mo ang katotohanang ito.
Walang perpektong pag-ibig sa mundo, bagkus dapat tanggapin ang mga pagkukulang ng bawat isa ng sa gayon, mamukadkad ang pagsasamang pinalalago ng suporta ng bawat indibidwal sa kanyang kapareha.
Panatiliing bukas ang isipan at matatag ang loob, dahil sa pagdaan ng unos, maipagmamalaki mong naharap mo ito ng buong tapang at hindi nabuwal mula sa itong mga paninindigan. Tiisin ang mga pasakit, dahil sa kahuli-hulian, ikaw rin ang magwawagi.
At sa pangkalahataan, manatilijng mapagkumbaba dahil walang puwang ang pagiging mapagmataas sa tagumpay. Hangarin mo ang kalinisan ng pag-iisip at hayaan itong mamayani sa pang-araw-araw na buhay. At sa oras ng pamamaalam, lagi mong hilingin ang kabutihan at kagandahan sa buhay ng iyong sininta.
1 comment:
At sino namang dorobo ang nangupit ng puso mong pasaway? ;)
Post a Comment